Maraming nangyari kagabi sa 70's bistro.
1. "Lagpas"
Sumakay kami ng jeep galing kamias papuntang anonas kasama si Ruffa at Jericho. Di namin namalayan na lagpas na pala kaming bistro at nasa freedom bar na kami, so baba kami at naglakad pabalik. Tulo pawis sa bitbit na sandamkmak na gamit. Salamat at nkarating din.
2. "Panggapness"
Nung nasa loob na kami ng bar ay nagpahinga muna kami. Suot ko ang damit kong "The Jerks". Biglang sinabi ni Jericho na nandyan daw si Chikoy Pura singer ng Jerks, ay bigla akong nahiya sa di ko alam na dahilan. Umandar na ang aking imahinasyon at pagkapraning. Iniisip ko na baka magkasalubong kami at di ko sya mamukhaan at d ko ma bati ay mabadtrip siya, o baka (assuming) kausapin ako, at wala akong masyadong alam tungkol sa kanila ay isang ultimate pagpapanggap. Lumabas ako ng bar at nag palit ng damit. Sabi ng manager namin "O bat nagpalit ka nang damit?, andyan si chikoy sa
loob" sabi ko, "basa ng pawis boss e, baka magkaubo pa ko." Panggapness.. Lesson learned: "Wag magsuot ng damit na banda pag wala kang alam tungkol sa kanila"
3. "Blessful"
Isang malaking opportunity at pasasalamat.. May supporters kami na ilang beses ko na din nakikita na palaging present pag my gig kami (Saguijo at Bistro). Di ko sila masyadong nkkabonding dahil si Mowmow ang palaging nakakausap. Silay mag asawa, D ko alam na ang mister pala ay nag tatrabaho sa JB music sa Megamall, at tutulungan daw kami at bibigyan ng discount pag my bibilhin kami sa JB. Andaming nangyari kagabi na di ko na namalayan, Naputulan pa pala ng string si Skrovs sa kalagitnaan ng set namin, buti na lang may mabait na taga Radio Manila na nagpahiram ng bass. Salamat po sa inyo! Present din ang producer naming si Ser Robert Javier.
All-in-all ansaya ng gig sa bistro!
on the 2nd part..... the PANGGAPNESS
ReplyDeletehahah.. ayus lng bka kc naman mag kasakit ka tol eh... hahah
well done men.. cheers!!!
oi sir, lupet ng set nyo last sat sa 70s bistro,
ReplyDeleteastig, maraming salamat din sa inyo- radiomanila