1. "Lagpas" Sumakay kami ng jeep galing kamias papuntang anonas kasama si Ruffa at Jericho. Di namin namalayan na lagpas na pala kaming bistro at nasa freedom bar na kami, so baba kami at naglakad pabalik. Tulo pawis sa bitbit na sandamkmak na gamit. Salamat at nkarating din.
2. "Panggapness" Nung nasa loob na kami ng bar ay nagpahinga muna kami. Suot ko ang damit kong "The Jerks". Biglang sinabi ni Jericho na nandyan daw si Chikoy Pura singer ng Jerks, ay bigla akong nahiya sa di ko alam na dahilan. Umandar na ang aking imahinasyon at pagkapraning. Iniisip ko na baka magkasalubong kami at di ko sya mamukhaan at d ko ma bati ay mabadtrip siya, o baka (assuming) kausapin ako, at wala akong masyadong alam tungkol sa kanila ay isang ultimate pagpapanggap. Lumabas ako ng bar at nag palit ng damit. Sabi ng manager namin "O bat nagpalit ka nang damit?, andyan si chikoy sa loob" sabi ko, "basa ng pawis boss e, baka magkaubo pa ko." Panggapness.. Lesson learned: "Wag magsuot ng damit na banda pag wala kang alam tungkol sa kanila"
3. "Blessful" Isang malaking opportunity at pasasalamat.. May supporters kami na ilang beses ko na din nakikita na palaging present pag my gig kami (Saguijo at Bistro). Di ko sila masyadong nkkabonding dahil si Mowmow ang palaging nakakausap. Silay mag asawa, D ko alam na ang mister pala ay nag tatrabaho sa JB music sa Megamall, at tutulungan daw kami at bibigyan ng discount pag my bibilhin kami sa JB. Andaming nangyari kagabi na di ko na namalayan, Naputulan pa pala ng string si Skrovs sa kalagitnaan ng set namin, buti na lang may mabait na taga Radio Manila na nagpahiram ng bass. Salamat po sa inyo! Present din ang producer naming si Ser Robert Javier.
Super saya ng gig namin sa Capones last thursday. "Lakihan Mo Logo Nights: Eheads night" kahit na kami ang 3rd band na nag cover ng "Maselang bahaghari" ay nagpalakpakan pa din naman ang mga tao at kahit papano ay may mga naghintay parin sa amin kahit kami ung last band. Salamat! Sobrang saya din ng banda nung nalaman na nanuod pala si Rico Blanco sa aming set, at sya mismo ang nag ayos ng mix namin at may matching picture2x pa with sir Rico after ng set. Wow! sobrang thank you sir Rico Blanco! and to end my night, Pinasalamatan ko si Sir Rico, and he tapped me and said "Keep it up.." kahit ganun lang ka simple, its very encouranging for me, considering a famous and genius musician would take his time to watch us (kahit last band kami and its almost 2am) and helped us tweaking the mix to make our sound better.
Salamat sa mga nag-punta sa RX!!! Lorns, Gehlai, Ann, Marsh, Leana, Jorenz, Franz, Vhanzz at yung tatlong nasa unahan namin ('di man lang namin kayo naka-usap waaaah!)! Salamat din sa pag-bili ng album! Thanks Sir Wilson, Maam Grace, Maam Noelle, Maam Franchesca! Rx Rocks! Salamat din sa mga nakinig! Woohooo!
TANYA MARKOVA'S SELF-TITLED ALBUM IS NOW OUT IN THE MARKET! Grab a copy now of the first band to be released in a Holy Week. Blaze your Lenten Season! Make your Easter happy! Rejoice! Rejoice! Shine! Shine!